TOTOONG TAGA CALAMBA KA KUNG…

Bahay ni Rizal

Daddy: Saan ka pupunta?

Ako: Titingin ako ng boots, Ddy.

Daddy: Madami dyan kay Medson a.

Ako: Meron kay Medson?!

Daddy: Oo naman! Yung mga pangmajorette.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!

At habang paulit-ulit kong naalala ang usapang ito habang nakasakay ako sa tricycle kanina papuntang Crossing, pumasok sa isip ko bigla ang kwentuhan namin ng isang matalik kong kaibigan na tubong Calamba din. Oo, ikaw ito, Oli.

May isang pagkakataon na inalala naming ang mga bagay-bagay na magpapatunay kung totoong taga-Calamba ka talaga.

Hindi ko inaangkin na unibersal sa mga taga-Calamba ang mga nakalista dito. Marami o halos lahat ay bunga at impluwensya ng aking mga magulang at kamag-anak. Ito ang mga paulit-ulit na naririnig ko sa kanila noong ako’y lumalaki. Maaaring tama, maaaring hindi. Maaaring sobra, maaaring kulang.Pero isa lang ang totoo. Ito ang aking kabataan at ito ang buhay na patunay na bago pa magsulputan ang SM, Waltermart, Yellow Cab, Globe Master, Wilcon at kung anu-ano pang pangkomersyo at pangkabuhayan showcase, bago pa nagkaroon ng bagong pinagkakaabalahan ang mga tao ngayon, ganito nabuhay ang mga taga-Calamba noon (at maaring hanggang ngayon).

Totoong taga Calamba ka kung:

  1. Alam mo kung saan ang JOSAM. Variety na ata ang pangalan niya ngayon pero alam mo na kapag masarap na pandesal at kung anu-ano pang tinapay ang gusto mo, dito mo patitigilin ng saglit ang tricycle para makabili ka ng isang balot ng slice.
  2. Kilala mo si Yayang. Dito ka kakain kapag nagutom ka bigla habang namamalengke sa lumang palengke. Dito ka bibili ng masarap na arroz caldo, sotanghon (tuyo at may sabaw) at kung anu-ano pa. Dito ka din kakain ng tanghalian habang nakaupo sa mga silyang nakapaligid sa tindahan nila.
  3. Alam mo kung saan ang Pansitan at Halu-haluan. Pag sumakay ka ng tricycle at sinabi mong doon sa Halu-haluan sa Aplaya, siguradong hindi ka mawawala.
  4. Kapag gusto mong mag ice cream, bibili ka sa Magnolia.
  5. Kapag may birthday celebration o kung ano mang okasyson, sa Rubal at Ding Hao kayo pupunta.
  6. Kung gusto mo ng medyo malapit, sa Jingber pwede din.
  7. Alam mo din dapat yung isawan sa Lecheria (o Halang na ba yun?).
  8. Maghihintay ka ng medyo matagal kung gusto mong panoorin ang pelikulang inaabangan mo. Sikat ang Sine Calamba pero pwede din sa Sine Linda at Sine Makiling. Tapos dumating din ang Jeffrey and Jennifer. Hindi pa uso ang tarpaulin noon kaya lahat ng paskil ng palabas na pelikula bonggang-bongga ang pagkaguhit. Lalaitin ang drawing kapag hindi kamukha ni Jestoni Alarcon o Ian Veneracion ang drawing ni Koya.
  9. Kapag may project ka, bibili ka ng materials kay Bayani. Doon din kami bumibili ng headband at mga pangregalo kapag may exchange gift sa school.  Pwede din sa Maya Bookstore.
  10. Kapag may kasalan, doon ka bibili ng mga babasaging punch bowl sa likod (o gilid ba yun?) ng palengke. Hilera ang nagtitinda ng mga baso at plato.
  11. Ang damit naman pwede sa palengke, pwede sa Trade o kaya naman sa Sterling. Ang Sterling na ata ang konsepto natin ng mall noon.
  12. Ang sapatos naman siyempre sa Footstep. Dumating din ang Jenson noon pero parang maspanalo pa din ang Footstep. Pero kung gusto mo yung medyo mura, may tindahan din ng sapatos doon sa loob ng lumang palengke.
  13. Ang tindahan ng cassette tape nabibili sa likod ng L.I.
  14. Pag gusto mo ng merienda, pwede kang bumili sa Minute Burger. Buy one Take One minsan.
  15. O kaya, kung gusto mo lasang Pinoy, bibili ka ng Okoy at Adobong Mais doon malapit sa may munisipyo.
  16. Magbayad ka na din sa Meralco kasi malapit na yun don.
  17. At bumili ka na din ng Shellane o Gasul kasi malapit na din yung tindahan don.
  18. Kapag nagkasakit ka, ito ang mga sikat na doktor na pwede mong bisitahin. Si Rubio, Pua at Elazigue. Kapag sumakit ang ngipin mo, dayuhin mo na din si Pacita. Nakalimutan ko! Si Syqui nga pala! Kilala mo?
  19. Kilala mo dapat si Flor Gallardo. Doon palaging nagpapakulot ang lola ko. Nagmamake up din sa kasal yun.
  20. Sa tapat naman ni Flor si Emil Buencamino. Sosyal ang glamour shot kapag sa kanya ka nagpakuha. At ang glamor shot na ito ay ipapamigay mo sa mga kaibigan mo na may kasama pang dedication sa likod.
  21. Kapag kailangan mo ng yero, pako, door knob at kung anu-ano pang pang construction, meron lahat niyan kay Columbia. O kaya kay Intsik. Kilala mo si Instik?
  22. Pag grocery naman, kay Intsik din (iba to don sa Intsik na nagtitinda ng hardware). Ang tanda ko noon, ililista mo sa paktura na gawa sa kahon ng sigarilyo yung lahat ng kailagan mo tapos ikakahon na nila yun para sa yo at ihahatid ka pa ng mga trabahador nila sa sakayan ng tricycle. Tingin ko nga mas simple ang buhay noon kasi hindi ka bibili ng hindi mo kailangan. Yun lang talagang nakalagay sa paktura. Tapos pag tinotal nila, hihingi ka pa ng tawad.
  23. Feeling ko ang unang konsepto ng paggogrocery ng may cart ng mga taga Calamba ay sa Delmart. Ewan ko din lang ha. Yun lang ang natatandaan ko.
  24. Kapag nasira ang sapatos mo, ipapadikit o ipapatahi mo yan kay Medson. Kapag magpapapalit ka ng zipper dito din yun.
  25. Kapag magpapatahi o magrerenta ka ng gown, doon ka pupunta sa Jaymie’s Fashion. Meron pang isa e. Doon sa may San Jose. Nakalimutan ko lang yung pangalan.
  26. Kapag gusto mong mag-aral ng piano o gitara o kung anu-ano pang summer classes, mag eenroll ka kay Agapay.
  27. Pupunta ka sa Riverview para mag-aral ng swimming. Dati Milo ang nagpapaklase don. Ngayon si Bert Lozada na.
  28. Magbowling ka na din sa Riverview. May duck-pin bowling don.
  29. Alam mo yung Wimcee? Doon naglalaro ng video games ang mga poging bata noon.
  30. Kapag kailangan mo ng 1×1 o 2×2 photo, pumunta ka sa Plaza. Mamili ka sa mga photographer na nandoon. Maghihintay ka lang ng mga ilang araw bago madevelop yung picture mo pero ayos lang. Idedeliver naman nila sa bahay niyo yun. Basta ang paborito naming photographer non ay si Mang Boy. Siya din ang kumukuha ng pictures naming pag Acquaintance Party, Halloween Party, Christmas Party at graduation. Kapag suki ka na nila, hindi ka na nila lalagyan ng ribbon sa damit mo para matandaan nila na kailangan kang kuhanan. Alam na nila yun.
  31. E alam mo yung Agfa? Dapat alam mo kung saan yun.
  32. Kapag wala kang magawa, aakyat ka sa Banga sa Plaza at iikutin ng pang isang milyong beses ang bahay ni Rizal. Pero nakapasok lang ako sa bahay ni Rizal nong Grade 4 ako. Pero hindi mahilig pumunta sa bayan ang mga kabataan noon na taga Barangay. Ang mahal kaya ng pamasahe. Php1.50 ata.
  33. Kapag gusto mong magpaphotocopy, sa may LI ka pupunta. Sigurado yun.
  34. Ewan ko lang pero tanda ko to, yung Nicos sa Paciano. Bumibili kami don ng chichirya kapag uuwi kami sa mga lola ko sa Cavite.
  35. Kapag kailangan mong tumawag, pupunta ka sa PLDT at pipila. Alam mo kung saan ang PLDT dati? Clue. Starts with a letter T.
  36. Kapag bibili ka ng mga appliances, pupunta ka sa Royal.
  37. Kapag bibili ka naman ng mga gamit sa bahay, doon ka mamimili sa 650. Dalawa yan. Yung isa sa harap ng Central 1, yung isa sa may San Jose. Dapat nabalitaan mo nong nasunog ang 650. Nakiusyoso ka dapat.
  38. Nong bata ako konti pa lang ang school. Pag pre-school sikat ang Child Garden. Pag elementary hanggang high school at gusto mong mag-aral sa bayan mamimili ka sa Central 1, Central 2, L.I., Saint John, Canossa at Letran. Pag college, dalawa lang yan, L.I o kaya Letran.
  39. Ang mga lugar na hindi mo balak puntahan, Senerez at Nomer Lim De Mesa. Tama?
  40. Dagdagan mo naman. Nakalimutan ko na yung iba e.

Sentro ang bayan ng lahat noon. Pero sa tingin ko, mula noong nasunog ang palengke at nagtayo ng Jollibee sa Crossing, nagsimulang magbago ang Calamba. Ang lahat ng mga suki natin sa pamilihan, nagbago. Nagulo.

Tandang-tanda ko noong opening ng Jollibee. May malaking inflatable Jollibee sa bubong nila. Binalak naming kumain nina Daddy noon pero sobrang haba ng pila. Feeling ko Jollibee ang naging simula ng pagbongga ng Crossing. Hindi na matawaran ang pagsulpot ng kung anu-anong kainan at commercial buildings pagkatapos noon. Nagka Shakeys, Andoks, Chowking, KFC, McDo, Waltermart at kung anu-ano pa.

Calamba never turned back. Chos!

Pero kahit ano pa mang pagbabago ang mangyari sa bayan na aking kinalakihan, hinding hindi ko makakalimutan na minsan, bago dumating ang sangkatutak at iba’t ibang uri ng komersyalisyon dito, ang simple lang ng buhay. Halos lahat magkakakilala. Nakakamiss.

Pero siyempre, no choice, move on na tayo.

283 thoughts on “TOTOONG TAGA CALAMBA KA KUNG…

  1. #25 hindi ba Aurora’s yung nalimutan mo? … Pak na pak eto sis! naalala ko ang childhood ko. 🙂

      1. Ung Cosmos bakery sa xsing at ung terminal ng bltb.hahaha.tpos ung suzette na kainan sa trade pra sa js prom. Ung Rizal tech sa may burgos at hrapan ng bowlingan.walang cnbi ang tesda at don bosco dun.bkit d nyo isama mga ckat n birhauz kgya ng papa bens, hawaii 5-O at sawali. Marami pa.hehehe

      2. Tunay na kay sarap magbalik tanaw at gunitain ang nakaraan na hindi na maibabalik pa.
        Marami yata ang hindi na inabot ang lumang Simboryo sa may malapit sa ilog ng crossing na ngayon ay meralco bldg. na, natatandaan nyo ba ang kahulugan ng SIMBORYO? Ito ang tawag noon sa sabungan at sa labas ng Simboryo ay mistulang maliit na palengke at doon mo lang matatagpuan ang mga taga Tanauan batangas na mga tindera ng sinaing na tulingan na nakalagay sa malaking palayok na kaysarap ng pagkakaluto at doon mo rin matatagpuan ang naglalakihan isdang biya at malalapad na sariwang isdang ayungin.
        Naalala nyo ba ang bihunan ni Mr. SUYA dati na sa may bandang banyadero yata yun at nalipat diyan sa crossing na ngayon ay meralco bldg.
        Eh ang tulay na kahoy sa may Tibag sa pagitan ng Parian?
        Noon ang tawag sa barangay ay BARYO at ang tawag sa brgy. chairman ay TINYENTE DEL BARRIO at wala sila sweldo o horarium ngayon, ngunit matapat na naglilingkod sa baryo.
        Bago pa sumikat si OGIE ALCASID unang sumikat sa CROSSING ang ALCASID BLDG.
        Eh ang mga kapatid nating ITA na nakatira sa tabing ilog mula tulay ng crossing papunta doon sa Turbina.
        Hindi ka tunay na taga Calamba kapag di ka bumigkas ng ANG BANAS, IPOD-IPOD, WALASTIK, WALANDYO dagdagan nyo na lang hahahaaa kay sayang gunitain.
        Ang KAPALARAN BUS na lagi ng may lamang mga banyera ng isda sa ilalim ng tapakan at ang BAGOL NA TREN yung item na buong-buo ang pagkabakal.
        Eh si Patrolman ALCA sana inabot ninyo at yung hepe ng pulis na babae sakay lagi ng motor na astig na taga EL DRIDGE na binaril?
        Bago ang SLEX ang dating hi-way ay yung service road ngayon na sa gilig ng mahabang hi-way ay puno ng mga talahib.
        Pag uuwi ka mula Crossing papuntang Tanauan dapat di ka abutin ng alas sais ng gabi kasi wala kana masasakyan hindi katulad ngayon 24 oras na ang mga byahe ng jeep.
        Noon, wala yang mga adik, kahit bukas ang bahay mo na matulog wala ka pangamba di tulag ngayon
        Ang katagang pagerper ay huli na mga late 80’s na, unang tawag diyan ay BELYAS at sunod na tawag ay PAMPAM bago pa ang pagerper.
        Yun nga pala ICE PLANT sa Crossing sa tabi mismo ng SM natatandaan pa ba ninyo?
        Yung crusher sa may Baryo Makiling.
        Maligayang pagbabasa at pagbabalik tanaw.

      3. Meron nakalimutan,,un bowling center n ngaun ay filtan hardware,,,un arkilahan ng komiks n,mang lito malapit noon s takilya n ngaun ay perez groceries,un bilihan ng regalo pag bday,kasalan ay kla piñuelas s isdaan un tapat,,,un bilihan ng patuka s manok kla aling doray n,ngaun ay jolibe s lumang palengke,,,s gulayan nman,dinudumog cla paner,,,pag gusto magpagiling ng kape papasok u s looban,,pti bigasan,,,n ngaun ay harapan ng mercado,,,yan p ang mga nakaraan noon n ngaun ay wla n,,,,makabagong pamilihan n ang makikita,,,

    1. Ka pag nakakuha ka ng mga wire na tanso binibenta Kay AKOY (ang junk shop ng bayan) sa palengke.

      Yung bilihan ng comics and songhits na sa barandilla (palengke) katabi ng timbangan ng bayan)

      And yung bilihan ng sweepstakes sa palenke din
      yung wall nila puno ng sweepstakes tickets.

      Pwede ka mag aral ng vocational sa RizalTech tapat lang ng bowlingan.

      Kung gusto mo ng Nike shoes na neon ang color sa MonDragon meron.
      (sa may Bahay ni Rizal)

      Pag Piesta (June 24)
      may peryahan sa likod ng Munisipyo sa may HealthCenter
      Dati kasing play ground yun dun ko unang nasakyan yung horror train.

      Every Friday busy
      ang Mahal na Senior sa San Jose tapat ng Aurora’s Flowershop and barong rentals,

      And pag Rizal Day nakakainip ang manood ng parada lalo na pag dumaan ang mga taga Yazaki ang dami kaya nila!

      Proud to be Calambeño..

      1. Yup i remember Ycasas kasi batchmate ko ung isa sa mga anak or apo nila. Im not from calamba but studied there for 8 years during my highschool and college days. And yes parang nawala na ang glory days ng bayan after the big fire at the old palengke. We were in highschool then. I think it was around xmas or new year that time. Those places mentioned in the comments bring back memories. I think ill visit my hs alma mater soon. With side trip to my friends house. Thanks guys.

  2. isama na natin ang sikat na bowlingan sa bayan noon sa may Burgos St. Dito ginaganap ang mga tournaments na kalimitan ay mga taga-munisipyo ang kasali.

    Ewan ko lang kung tanda pa ng iba ang masarap na bilihan nhg siopao, mamon at iba..dun sa likod ng L.I. – Rizal Bakery daw un sabi ng nanay ko.

    Kung hanap mo nmn ay mga RTW na school uniforms, tawid ka lang mula sa bowlingan – TADA! Tiangge na agad.

    1. Oo nga!!! Yung Bowling Center sa Burgos masmalapit kesa sa Riverview. And pag bibili ng birthday cake Rizal Bakery lang yun. 🙂

      1. There were two bowling and billard center in crossing before Riverview one is Eva Lanes located the new Mercury Drug and HBC owned by Jolly Brosas and another one owned by Alcasid family located at the present site of Mercuryr Drug and 7-11.

      2. ung arkilahan ng gown sa san jose aurora’s shop un.. i-add n din nten ang tradisyon ng pagbili ng langis at yakult pag friday..ay mali pala! pagpunta pla sa mahal na señor ang tradisyon..hehe..
        ung hardware ba intsik eh ung la swerte enterprises? gamay q kc ung area na un kc taga-burgos aq dati..
        bukod kay ycasas ba yun, may bilihan din ng mga sinulid, school supplies, pang-tina (malimit kc pinapabili sken to noon) sa may likod ng central 1..di ko na matandaan name bsta matatandang dalaga owners nun..

        haay..gaano man kasimple ang nakaraan ng mga calambeño, hindi nmn matatawaran ang halaga nito..

      3. I think t’was Calamba Bazaar, the old maidens were the owners, behind Central I School. It was an alternative when it comes to school supplies besides Mac and Al Enterprises. What about Ang Lin Po, I still remember that was the place for farming tools, ropes, wire mesh, hardware, etc. near the so-called Takilya, the former Calamba-Tanauan Terminal with Bakeries of sorts nearby. Haaaaaay, missed those things, when life was so simple then.

      1. un tindahan ng mga sinulid n matatandang dalaga ang may ari aling mameng ang isang pangalan ng isa dun at yun din ang kilalang twag .idagdag p ntin ang mang lito’s komiks stand at pocket books..at ang dating talipapa sa gilid ng mercury doon may mga karinderia na kinakainan ng mga tindera ng isda at duon din kmi kumakain ng nanay ko at pag minsan kay aling nene or yayang.

    2. yang rizal bakery na yan ang malaking bahagi sa buhay ko noong aking kabataan at noong kasalukuyang nag aaral ako ng high school mag anak na insik ang nag mamay are at di ko malilimutan ang na ikuntibuyon nyan sa aking pag aaral dyan ako umaangkat ng pandesal sa umaga para ilako sa aming barangay.. .. at sa aking murang isipan naka gawian kuna sa araw araw na rota ng aking bukay noong mga panahong iyon iisa lamang ang jeep na nabyahe sa aming lugar mayapa hangang palengke at ngayon sya ay nasa kabilang buhay na walang iba kundi si mang miling defontorum na walang sawang nag silbi sa ating kumunidad mag mula alas 3 ng umaga hangang sapag garahe nya sa gabi yan ang mga bagay na kung ikaw ay lititimong tiga calamba .. maaala mo yung mga bagay na yan im froud.. akoy lihitimong tiga calamba…

  3. love this entry!!! super worth reading, lakas maka nostalgic!

    ” 23. Feeling ko ang unang konsepto ng paggogrocery ng may cart ng mga taga Calamba ay sa Delmart. Ewan ko din lang ha. Yun lang ang natatandaan ko.- ”

    You’re right! i think also sa horizon, (dunno if i got it right) may mga carts din dun

      1. Oo horizon nga… nakikita ko din yun. Pero di nimili dun si nanay. Madalas sa lumang palengke.

        Madalas magbibilin ako na uwiian ng mamon kasi may Goldilocks sa mismong harap ng lumang palengke. Yun ang una mo madadaanan. Tapos makikita mo din ang tindahan ng komiks.

    1. You’re welcome. Namiss ko bigla ang mga merienda. 🙂

      At ang Mac Merchandising!!! Sabi ko na nga ba may ganito e. Walang nakakaalala pag tinatanong ko ang mga tao. Ito yung sa tapat ng Joliza’s ngayon di ba? Sa may linya ng Ycasas. Correct? 🙂

      1. yun bilihan ng gamot anong name nga nun botika dun bago magkamercury. sa palengke din yun eh.laking palengke ako kasi may pwesto kami dun.
        anf mac merchandising po nasa tapat ng footstep noon.ang may ari si tita lai ying mac

  4. empre wag kalimutan ang malaking simbahan.. Pagkatapos ng misa either sa jozam, rizal bakery bibili ng tinapay o kakain ng lugaw kina aling tessie.. :p

  5. naalala ko rin yung binibilhan ko ng masarap na crinkles.. yung bakery sa gitna ng saint john and INC.. ano nga ba name nun?

    1. Happy Motif Bakery… isa sa mga madalas kainan nung highschool. Lalo na ng mga taga St. John, at isa na ko dun. Isama na rin ang lugawan ni Onoy.
      Yung bigasan at vulcanizing ni kuya Eseng sa Jose tanda nyo pa ba?

      Nakakamiss talaga at ang sayang balikan ng mga nakalikahan mo. Kahit man lang sa alaala, napapangiti tayo nito

    1. Ang sikat na grocery store in the 70’s-80’s ay kay Dosio Alcasid. Kasama na ang pagpapalit ng dollar.

  6. Tuwing Fiesta nabili ng cheese/ langka ice cream either sa aling meding o sa sipag at tyaga… 🙂

  7. Very nice, you forgot Aling aying’s store sa likod ng simbahan.
    At tumakbo sa mga upuang bato sa plaza. Un parlor ni Jovi sa likod ng apartment sa burgos st. malapit sa 650. Si mang romy sa juliano bilihan ng turumpo,saltik atbp.

  8. “Pero kahit ano pa mang pagbabago ang mangyari sa bayan na aking kinalakihan, hinding hindi ko makakalimutan na minsan, bago dumating ang sangkatutak at iba’t ibang uri ng komersyalisyon dito, ang simple lang ng buhay. Halos lahat magkakakilala. Nakakamiss.”

    Hay. Nakakamiss talaga ang simpleng buhay noon sa Calamba!

    Salamat sa blog post na ito. Kahit papano nakabawas sa toxic na trabaho. Haha.

    Kilala pala kita dahil kapatid mo si Loreene. One batch higher nga lang ako sa kanila sa Letran. At siyempre mas naririnig ko ang pangalan mo sa Elbi noong mga panahong nagtuturo ka pa. Sana pala naging estudyante mo rin ako. 🙂

    Cheers from a fellow Calambeno,
    Jan Banaticla

  9. ung murang bilihan ng mga gamot n mas sikat s mercury ung CHAVEZ PHARMACY sa pagitan ng Horizon at Maya Bookstore sa crossing… ung kanto s crossing na tindahan ng mga prutas at ukay-0ukay (SAPLOT) dating mga panciteria un, dun kami nakain pagkatapos namin manood ng sine s JJ… tpos ung chowking dating SHELL un…

    1. May Chavez Pharmacy din dati sa may malapit sa may lumang palengke di ba? Doon sa linya ng Jaynith’s ngayon. Jaynith’s nga ba yun? Yung malapit sa LI. Nakalimutan ko na!

    2. Nung unang panahon, may BOTIKA CROSSING (bakery na ngayon) katabi ng SWEDEN STORE (Saplot na ngayon). Nagtitinda ng gamot at gift shop.

    3. Yung Chowking sa dating Shell, ay McDo na yun noong 2014. Giniba na yung sinabing Chowking at diyan nagpatayo ng McDo sa dating Shell/Chowking.

    4. Ang sinehan na J&J na ngayon ay Newstar na. Sabi sa akin sa Newstar yung guard doon, Nagsara ang J&J noong 2003 dahil nagkasunog pala sa taas na palapag doon. Meron pa ring bakas ng J&J sa loob ng Newstar, yung sign na “Jeffrey Cinema” papunta sa 3rd floor na dating aktwal na sinehan na stock room at opisina ng Newstar ngayon.

  10. pag di afford ng parents mong pag-aralin ka sa private school etheir sa BANADERO o BARETTO o MAKILING HIGH SCHOOL ka nila ieenroll

    1. Nakapasok nga ako sa Calamba Integrated School (Calamba National High School) sa may SPED noong Grade 8-10 noong SY 2016-19.

  11. ung bilihan ng murang gamot na mas sikat pa sa Mercury noon ung CHAVEZ PHARMACY sa pagitan ng Horizon at Maya Bookstore… tpos ung tindahan ng mga prutas ngaun at ukay-ukay sa kanto ng crossing dating panciteria yun, dun kami kumkain ng mga tatay ko pagkatapos naming manood ng sine sa JJ o SINE CALAMBA O MAKILING… tpos ung Chowking ngayon dating SHELL yun…

    1. Saka kung gusto mo magparecord ng mga favorite songs mo sa tape, pipili ka lang sa listahan nila, dun din sa arcade ginagawa yun!

  12. pag ang sakit mo sa mata o tenga kay ressurreccion o kay elazigue ka pupunta EENT specialist sila…

      1. isa pa na alala q masarap na lugawan at arroz sa aplaya is sa tapat ng lumang simbahan sa aplaya kay ‘Aling Deng deng ba yun o Mang Deng deng yung kila mam desipida now na hauz..pag ng simbang gabi sa lumang simbahan..pila mga nakain dun for take out..pero that time pag hapon the best ang arroz caldo, lugaw na may tokwa at maja blangka ni mama susan sa gitna ng kalye pompiang sa aplaya..:)

      2. si lolo liloy yung manghihilot at mmatangdang barbero dun sa tabi ng BIbbo bakery ngayon

      3. c mang mang deng yon tatay ni mam oman desipida at mam ethel arellano.idagdag p ntin ang goniong bakery ang bilihan ng masarap na pandesal sa tabi ng halu haluan sa aplya.

  13. Ang mga goons na tatay noon madalas nag iinuman sa bistro malapit sa sipag at tiyaga, at sa rizal st. malapit sa bantayan sa mini beer house ng lola kong si aling mameng. sikat na pulutan dun ay chicharong bulaklak at crispy buntot ng baboy. 😀

  14. sir, dagdag ko lng un TINDANG BAYAN at POLENG EATERY s lumang palengke n tabi ng my tindang uling at pangatong

  15. At ano nga uli yung tawag don sa may mini park sa tapat ng lumang munisipyo? Doon nagsskate board at nagroroller blades ang mga bata noon! Pag uwian na galing sa school ang dami ng tao don!

  16. -Liberty barber shop sa may bantayan, malapit sa sine makiling
    -4 Sisters’ store sa tabi ng Saint John Academy
    -Hectan sa may halang na sikat dati pag meron kasalan
    -Hatchery sa may burol, kulay yellow ang ilaw kaya kitang kita mo pag nagjogging sa sa umaga…iikutin mo sya from lecheria, halang, coke, crossing bantayan and back to lecheria.
    -hawaii 50, sikat na bar sa crossing
    -old “water tank” sa may riles ng tren. very iconic kasi sya lang ung pinakamataas na structure during its time…during my childhood.
    -lumang PLDT sa may tibag malapit kay Lim de Mesa

    1. Kakatuwa magreminisce.. I’m one of the 4 sister’s by the way. It was called 4 s’ters gift box. Naalala ko pa na nagbabantay kame sa store pag weekend and school holidays. Those were the days! Thanks for posting this!

  17. Yung mga batang Central 1 tanda nyo pa ba yung araw-araw nagtitinda ng ice cream twing recess, si Mang Berting!!!!!

  18. Nung tinayo ang Jollibee sa crossing nagkaroon ng tambayan ang mga pagerper. Alam nyo ba yung pagerper?

  19. Eto pa ang malaking nakakalimutan nyo. Bigatin ang Calamba noon dahil may terminal ng BLTB sa crossing, dun yon sa makababa ng footbridge ngayon sa tapat ng Alcasid Bldg. O ha!

    1. una muna ang San Pedro bus, na sinasakyan ko pag luluwas.. dun sa may malapit sa Banga naghihintay ng pasahero ng madaling araw…

  20. May Ycasas pa din hanggang ngayon, iba na yata ang name…
    Banga Spot na kainan din..
    Rubal Restaurant sa Crossing..

  21. Taga calamba ka pag alam mo rin ang mga ito: Cuyab, La vista, batu-bato, batis ng makiling’ halfway 2000, bukal, orchidarium, ang park sa canlubang, tambayan ng mga sosyal ang ceris 1, at iba pang pasyalan sa mga karatig bayan tulad ng art center, pook ni maria makiling, forestry, baker hall, olivarez ng los banos at binan.

  22. Yung kapag bday mo, kay BOYOYOY ka bibili ng lobo! May nakaprint na name and age nung may bday tapos kung kanino galing. Meron pa bang BOYOYOY’s toy balloon?

    Saka every friday, di nakakalimutan dumaan sa Señor after ng shift sa trabaho.

    Nakakamiss talaga!

  23. anong electronics store nga yung malapit sa riles ng crossing?sa may tapat ng agfa ?ano nga bang meorn kina canicosa?

    nicos supermart sa paciano at rizal bakery epic!hahaha

  24. oo lahat un naalala ko dahil isa at tunay na taga calamba ako na halos lahat ay ngbago na pero ang tatak ng isang tunay na calambeno’y d mgbabago at d malilimutan kaylanman!!!!!!!!!!!!

  25. please dont forget si Aling Pining. sa mga graduate ng LI aka LCBA, parte na ng buhay estudyante ang famous Bananaque at Spaghetti ni Aling Pining.

  26. -sino ang mga naghamon ng away sa Tres?
    -saan yung orig na tiangge?
    -yung pinakaunang Jollibee yata e dun sa tapat ng Central 1.. tama ba? opposite ng RCBC at kabilang kalsada ng Mr Quickie.

    1. mcdo po yun na nagsara na..pinakauna talaga sa crossing na jolibee..kasama ako sa unang batch dun ng mga crew..kasamahan pa namin si ramil hernandez noon na vice gov na ngayon.

  27. Before delmart, it used to be flight 101disco. My dad used to own it. Dr/mayor delmo is the oldest, popular doctor and good mayor. And everytime you watch movie, you always ask “ano ka double?” You used to pay 1movie for two movies. Calamba used to be very clean, safe and nice. Totoo talaga dati magkakakilala! I miss my playground! Proud to be calambena!

    1. oo c mayor delmo ang may ari ng delmart plaza.yes his a good mayor & his wife & daugther in law is my pediatrician.im proud to be calambeño

  28. mukhang nlimutan mu ang sikat n arkilahan ng betamax nc king louie at rizal bakery s tbi ng sterling.at ang cosmos bkery n syang punthan ng mga mag partner kpg js..ung lugawan s crossing dati s may tpat ng mercury un.ung sikat n parlor s plengke c zeny‘s un.ung tndhan ng salamin n ktbi nya ay kay quoige un.dpat nlgay mu nrn ung puting bhay ni arambulo n lgng tntngnan kc prang cake at mrmi png iba.

    1. Famous parlor also ay yung kay Edna Gecale sa tabi ng LI or now known as LCBA.
      Another famous make up artist ay si Eppie and her parlor called Pilikmata.

  29. may wendy’s dati sa kinatatayuan ng 7/11 ngayon sa crossing,
    naaalala ko pa yung jimmy’s fried chicken din dun na madalas may libreng milo bar pang desert haha, kawawa ang crossing, at ang bayan ng calamba ngayon, puro jejemon at kung ano ano pa lalo na sa crossing puro barkers sila lang yung nag bibigay ng trapiko, pati yung mga traffic enforcers pa dagdag traffic din… -_- ang sarap nung panahon non hahhaa

  30. Dagdag lang po sa Number 30 yung tatay kong Photographer na si Mang Danny. Sino po kaya may kilala sa kanya? 😀

    1. Si Mang Danny ang pinakasikat na photographer sa Calamba. late 1970s p yata ay photographer na sya…dapat pinarangalan un ng Munisipyo ng Calamba dhil buong mga taga calamba, mula pagkabata ko hangang sa nagkaanak n ko ay photographer pa rin sya. Isang tunay na Calambeno si Mang Danny! dapt may service award na para sa kanya!

      1. Ang MENORCA at LAFORTEZA studio naalala nyo paba.. mga senior citizen na lang siguro ang makakaala nito,,, datil ito lang ang kuhanan ng picture kapag junior at seniors prom…

  31. Roland‘’s bakery..nkalgay s prng mlking bsket ang mga pandesal..rizal bkery..mdming klase ng tinapay at cake wla png goldilocks nun..mdami din nkkakila ky mang danny calabia photographer s banga..lahat ng mga bata tinatawag sya lalo n kung central 1 k ng elem..and it hppens to be he is my father..

    1. favorite namin ng tinapay sa roland’s bakery. specially kapag may kasamang dairy cream or matamis na bao na ibinebenta nila na nakalagay sa dahon ng saging.

  32. Dati may McDo sa tapat ng Central 1 ba un, sa tabi ata nung nagpaparenta nung mga costumes. :))

    Tapos, ung Shakey’s at Wendy’s sa Crossing. 😀

  33. SIguro pwede kong sabihin na, nagsimula ang kabataan ko sa Jolibee sa crossing. Naaalala ko dati, pagkatapos namin magsimba sa Fatima Church sa Lawa, deretso kami sa Jolibee sa Crossing. Maglalaro sa parang play ground sa loob. Pag napagod, kakain ng jolly hotdog. Palagi yun. Nakakadismaya man isipin, pero, yung Jolibee branch na yun ang isa sa mga bumuo sa pagkabata ko.

    Nakakalungkot na dun pala nagsimula ang pagbabago ng Calamba. Nakakalungkot na isa pala ako sa mga tumangkilik at nagtulak para sa pagiging mas progresibo ng Calamba. Nakakalungkot na hindi ko na pala talaga naabutan yung payak ngunit masaya na Calamba.

    1. Naalala ko yan tapos pipila ka sa paghuhulog ng sulat. Kapag hindi pa nkaseal ung sulat mo, merong malaking paste sa isang malaking mesa doon ka makikidikit hehehe

  34. Hindi mo naisama ang Tindang Bayan. Un ang bigasan at balutan sa halera ng foostep na nasakop n ng building na kinatatayuan na ng Jollibee ngayon. Me anak cya na me kainan na masasarap ang lutong ulam. Ung Poleng’ s place sa halera din ng Tindang Bayan.

  35. I left my hometown(Calamba) 7 yrs ago when I was 14 yrs old. I recently spent my Christmas and New Year;s there last year. Grabe ang dami ng nagbago. The places I used to go to, to buy my favorite okoy,halo halo are not there anymore. Nakakapanibago and sad at the same time. Marami ng mga dayo. Halos dati magkakakilala lahat ngaun nakakatakot na =(

  36. #2 huh?! nabanggit si yayang pero hindi yung palabok niya? paborito ko yun!!

    #22 kay paunlagui kami namiimli ng paninda namin sa tindahan, hehe..

    tsaka parang walang nagbanggit nung money changer sa bayan? ano nga ulet name nun.. hmmnn…

  37. yung dating bahay ni rizal noong ndi pa na rerenovate ung wishing wheel dun na nauuto aq magtapon ng pera dahil magkakatotoo dw ang wish sundan pa ng factor na dun daw nakalibing si rizal at nagmumulto dun.,miss the old Calamba!

    1. Wishing well po, hindi wishing wheel 🙂 Tapos noon may mga magagandang empleyado sa bahay ni rizal na nagsisilbing tour guide pagpasok mo plang sa bahay ni rizal. may mga nakatayo pang gwardya sa harap na di nagalaw.

  38. kung taga bayan ka for sure kilala nyo si bayani, yung nagtitinda ng ulam sa juliano na sikat s adobong baboy na naglalangis…

  39. At yung IMEI or IEMI na lagi kong nadadaanan (malapit sa may bantayan or tibag na ba un) kapag galing akong JRMS nung elementarya ako na hindi ko naman alam kung ano ang itinutinda hanggang ngayon hahahaha!
    At ang STI na nasa kanto ng tibag nung araw 🙂

  40. Ung mga panahong wala pang baywalk sa aplaya. Every weekend morning pupunta kami nila daddy at ate papahangin at magpapaaraw. Tapos yung hangin pagsapit ng ber months ay ung tipong nadadala ka at natatalsikan ka pa ng tubig na galing sa lake sa sobrang lakas.

    Hay…. good old days. 🙂
    Thank you for blogging this, Ms. Leslee! 🙂

      1. ms. leslee.. bengkok daw po ung pangalang nung intsik na bilihan ng grocery items na ibibigay mu nlng ung paktura mo..hanggang ngaun po nagtitinda pa din sila..

  41. pagamot sa Systemedic pag na aksidente sa bike na binili sa king louie.. buy ng pasalubong sa germar sweets tapos date sa suzanne.. 😀

  42. Ang Ling Po (iyong si Intsik yata sa hardware – sa kanto). Mac Merchandizing (may ari na babae si Lai-Ying) iyong bookstore na bilihan ng school supplies na kayang kumumpitensiya sa national bookstore sa kakumpletuhan nila sa gamit. Iyong Sy Electronics na inumpisahan ni Noli Sy para sa mga maliliit na repair ng appliances at iba pang pangangailangan pang-elektroniko.tulad ng sound system para sa tricycle

    ….iyong bilihan ng mga bisikleta sa san juan

    …iyong cosmos bakery sa crossing na kilala sa slice bread nila at pansitan

    …iyong sweden store sa crossing din na makakabili ka ng kaunting hardware, mga tools at sa lahat ng bagay, matchbox na laruan na sasakyan

    …at iyong tindang bayan na kainan sa labas ng mga damitan na alternatibo kung ayaw mo o walang pwesto kay yayang

    … o kaya naman ang unang restaurant ng ‘Banga’ na may mga tinda pang katutubong gamit – na alternatibo naman kung hindi ka nakabili doon sa 3 kariton na higit ng baka na gumagala sa loob at labas ng bayan

    …iyong aviles sa crossing may katabi na tetra marketing – unang bilihan ito ng mga sasakyan sa Calamba (unang generasyon ng Ford Fierra atbp). Noong magsara naging tindahan ng gulong Sime Darby Philippines pa noon dahil di pa opisyal na nakakapasok ang BF Goodrich.

    Hindi po ako puro at tubong Calamba dahil galing ako sa lumang Canlubang. Pero noong panahon na iyon, Calamba ang puntahan at dinadayo sa kahit anong pangangailangan. Ang ama ko ay nagturo sa L.I. bago pa ito naging LCBA. Ang mga tiyahin ko ay pawang naging guro din sa naturang pamantasan.

    Kaibigan at kakilala ng ama ko ang mga unang henerasyon ng mga may-ari at nagpsimula ng mga tindahan na nabanggit sa loob ng Calamba (ngayon siguro mga apo na ang nagpapatakbo, tulad ng palitan ni Mang Docio). Kaya naman alam na alam ng magulang ko noon kung saan at kung sino ang mabibilhan mo ng mga de-kalidad na gamit (pati na iyong 2 lalaki na magkapatid na nagtitinda ng sinturon, lighter at iba pang maliliit na bagay sa loob ng lumang palengke).

    Matagal na ako umalis ng Canlubang at Calamba (baka hindi pa isinisilang karamihan ng nag-komento sa blog na ito). Kalakasan pa noon ng BLTB terminal at hindi pa nagagawa ang Calamba Trade Center. Pero sa mga pamilihan ng Calamba ang kinalakihan ko. Sa UPLB ako nag kolehiyo. Matanda na ako. Presidente pa si Marcos noon.

    Noong nakaraang taon 2012 nagkaroon ako ng pagkakataon na bumisita muli sa Pilipinas at bumalik sa Canlubang at Calamba. Napakalaki ng ipinagbago. Nawala na karamihan ng kinalakihan ko. Nawala na ang simpleng mga bagay. Nakakapanghinayang isipin pero nakatutuwang alalahanin.

  43. Meron pa b nkktanda kay dr.fajilan? Ang dentist n kumakanta habang binubunutan k ng ngipin? Hehe… i believe buhay pa rin ung clinic ngaun and being managed by his anak.

  44. The best ang piyestang calamba at pag birthday ni rizal ang haba ng parada!!! ang saya saya noon.. sa gabi ng piyesta lahat ng tao nasa plaza darating kasi ung mga sikat na artista ng that’s entertainment. tapos mga alas dose pa lalabas o kaya ay darating ung mga pinakasikat na artista. panahon pa yun ng kasikatan nila tina paner, sheryl cruz at manilyn reynes. ang pinakagwapong artista na inabangan ko sa back stage noon ng plaza ng calamba ay si ian veneracion, hahahaha

    meron pa, kapag naman magpapasko, lahat ng schools sa calamba nagpeperform sa plaza. may weeklong schedule ng lahat ng presentation, si lajara pa ang inabutan kong mayor noon.

  45. Maswerte ako at laking Calamba ako noon. Kung ikaw ay naging estudyante sa JRMS (Jose Rizal Memorial School), siguro di mo makakalimutan na nkapaglaro ka sa malaking puno ng Narra noon doon. napakalawak ng playground ng school na un..msarap akyatin ung puno ng narra na un tapos doon ka kakain ng snacks mo pagbreaktime. hindi ka papalabasin basta bsta noon ng gwardya kasi daw may nandudukot ng bata.

    napakasaya ng kabataan ko sa calamba..ang sarap maging bata ulit pag naalala ko un.

  46. Sa mga astig na calambeÑo at matitikas na misis… cgurado alam nyo ang RONALD’s sa crossing na El Maringo’s na ngayon… dahil dito madalas mahuli ni misis si mister kapag “nag-oover time” daw…

    Dapat alam nyo din na si Rizal ang nagpa-uso ng elevator sa Pilipinas (kita nyo naman siguro ung elevator sa bahay nya hehe)…

    At syempre dapat kilala nyo si Coach Shimano Otso Walo Eyt… yung kayang irecite ang buong aklat ng Florante at Laura ng walang binabasa na kodiko….

  47. i like this so much.. thanks for mentioning Jaymie’s Fashion… maybe you can add yung summer basketball game sa juliano… sarap tapos meron pang parada bago mag start yung competition. meron pang mga muse ang bawat team. add mo na rin yung mahal na senör tradisyon na laging magsimba dun pag friday. i also agree na mula nung nasunog ang palengke nagbago ang takbo ng buhay sa calamba…. ang saya dati dyan ngayun sobrang sikip na at laging traffic

  48. yung unang school for vocational course,,Rizal Tech , sa tapat ng dating laruan ng bowling sa burgos st… alam nyo p b yun.. tanong nyo sa parents nyo.. syempre yung all time favorite n pinu puntahan ng tao every friday nalimutan mo,, yung Mahal na Śeñor,, sa san jose.. e yung unang hospital sa bayan alam nyo b kung san ito dating nakatayo,, sa may Post office,, malang dun na nganak lola mo,, nasunog kasi kya napalipat, nkakamis din yung play ground sa likod ng health center, pati n rin yung basket ball court , n ngayon municipal trial court na,, punong puno p lagi pag bakasyon, lalu na pag may laban ang bakla at tomboy, dati yung plaza sa banga may upuan, ngayon wala n standing nlang pag may palabas, sarap pa naman mag habulan dun at sa gilid nun kung gusto mo ng masarap n fried chicken , sa Partners, yung papuntang del pilar,,

    1. Martinez Institute located at Burgos St beside Laguna Institute now LCBA was the first vocational school in Calamba. My mom graduated her dressmaking in the said vocational school. My mom today is 80 yrs old. I had my typing course and steno also at the same institute and am 59 yes old now.

  49. natatandaan nyo pa ba bingotohan?dun ako nakatikim ng unang hamberger ko,mahal sa jingber e..saka yung horizon supermarket sa crossing na maraming nakadisplay na mukha sa entrance na mga shoplifter.

  50. Leslee, sobrang napahagalpak ako habang binabasa ko itong sinulat mo. Sa kabila ng tinagal ko sa Maynila, di makakailang taga-Calamba ako. Napabalik-tanaw tuloy ako sa aking kabataan.

  51. Very nice blog! I can’t help but keep on reading ALL the comments 🙂
    I agree sa isang nagcomment…noon halos kakilala mo ang mga tao sa calamba, ngayon napakadami nang dayo. Sabi nga naming magpipinsan, noon kapag sumakay ka nang jeep, alam mo kung saan papara ang mga kasakay mo at mas madalas pa na nakakalibre ng pamasahe 🙂

  52. naranasan mo nang maglakad mula sa school ng L.I papuntang crossing terminal dahil kapag pm session ka wala nang dumadaan na canlubang…….haisst.. malayo pero masaya kasi chickahan kayo habang naglalakad na magkakaklase…

  53. at sa plaza lang ng calamba may magarbong pampublikong palaruan para sa mga bata, kapag naman gusto mo ng mga medyo imported na kagamitan sa j.garcia ito matatagpuan malapit sa calamba cinema,
    thumbs up sa iyong blog. it makes sense sa isang calambenyo!

  54. ung mga sinabi mo natatadaan ko pero d lahat kc taga bario ako,masarap sariwain yong panahon n nabanggit mo.prang gus2 ko p tlg ang pamumuhay noong s calamba,pag kumita kmi ng kaonti s pagkakarga ng tubo o s paggagamas,punta agad kmi ng byan.arcade, yayang,halo halo pansit s aplaya.khit simpleng baso lang ang lalagyan napakasarap n.tapos magbibilyar s palengke,kay canicosa yata iyon.

  55. Yung beetle / kotseng kuba na sira at naka display malapit sa riles ng tren ( sa tapat ng samaral ngayon ) na nagsisilbing babala sa motorista na magingat at alisto sa pagdaan ng tren.

  56. yung mga taga Letran Calamba naman, yung mainstay na siomai-an, palamigan at banana q sa harap. after long day of school dito ka bibili ng murang meryenda tapos lalakarin hanggang kanto. If memory serves, A&W dati yung Chowking ngayon sa tapat ng JP Rizal Hospital na dating kulay pink?

  57. Knight saver yata din yun na convenient store, at siyempre si “APO”, bilyaran at palaro na nagsimula sa family computer, sega, super nes then playstation.

  58. sa tibag ang lumang PLDT hehehe tagadoon kami eh.at pag bigas sigurado sila catindig lang pupuntahan.at pagmay pila kay syqui punta ka kay dr.landayan

    1. thanks rochella battung for mentioning d cantindigs nakakalungkot na nun namatay si lola nagkawatakwatak na sila.
      matibay tibay na lang ang jolizas at sarahazel 😦

      at oo feeling ko nun bongga ang tibag dahil nasa kanto namin ang sti pldt at limdemesa at sa loob pagkumaliwa ka ang gawaan ng kabaong nila hahaha

      1. Sa kanto ng Tibag ung Donya Raymunda Bkdg., may Bookstore dun dati, nalimutan ko na pangalan. Dun kami lagi nabili ng school supplies kasi taga Tibag lng kami sa pagawaan ng Lumpia Wrapper 🙂

  59. naalala nyo po ba yung greenwich dati na nag iisang bilihan ng Pizza na bago pa mag MR. QUickie sa may kahanay ni gamez? un po ata ang unang franchise ng greenwich eh, sa tapat ng parlor ni JUN ENCARNACION. kilala nyo din ba si mariong hubo at bonjing?

    1. Miggy’s ,Sawali at Hawaai five O..sa crossing alam nyo.. Yun palagi ang kwentuhan ng mga nakakatanda kong pinsan… 🙂 marami dito ang inaabot hangang madaling araw.

      1. Mabuhay theater was the first theater in Crossing which was later renamed Rizal theater.. Eva Lanes and billards and another one owned by the the Alcasid Family previously located at the present Mercury drug and 7-11 before Riverview was established.. Rubal and Shanghai restaurants before Ding Hao. Fojas and Laforteza studios.

    2. astig.. si mariong hubo po ay namatay na nung grade 6 pa ko.. 3rd yr college na ko.. si bonjing po buhay pa.. naglilibot pa din dito sa palingon-lingga at sampiruhan

  60. Naalala ko Rizal bakery kasi malapit sa tindahan namin. Di ko makakalimutan ung pandesal nila at ung fave ko na half moon. Dun din kami bumibili ng katsa para sa H.E project namin. Batang childgarden din po.

  61. May I add, bago pa ang Ding Hao, Cafe Valenzuela muna, at ang Cuyab Hot Spring na lagi naming venue kapag school closing. Every Friday kasama ko ang lola ko sa Mahal na Senyor. At from Saint John dadaan kami sa Rizal Bakery pauwi para bumili ng masarap na cup cakes at meringue. Sikat ang Mercury Drug sa Crossing at sana natatandaan nyo pa ang Eva Lanes bowling sa Crossing din. Sarap mag reminisce no!

  62. Mas naaalala ko yung kapalaran bus liner na sinasakyan namin ng nanay ko noon kapag luluwas pa baclaran o divisoria. Yung tipong ordinary bus lang na bukas lahat ng bintana tapos pagbaba mo eh ang lagkit at ang tigas ng hair. Haha! Oh how I miss the old Calamba. 🙂

    Di ko rin makakalimutan yung bilihan ng meryenda sa General Lim, kay Aling Minying. Yung building sa tapat ng central one na kung tawagin na ngayon ay dating mcdo, dun ang unang-unang mcdo yata ng calamba. Sayang lang nagsarado na.

    Kapag parlor naman ang pinag usapan, sa Jazz salon sa crossing ka pupunta, panay Beki ang mga nagseservice tapos makakatawad kapa. Sosyal kana kapag nagparelax o straight ka ng buhok.

  63. yung kainan po sa may Brgy. Siete( my papuntang postoffice.. gilid ng CCC-dating munispyo)
    tapos si DR. YU sa my malapit sa Footstep.. dun pa din sya
    yung Bilihan ng Buko Juice bago pumasok ng Holy Family sa my Lecheria..
    Yung daanan dati sa likod ng walter papunta.. na kasya ang tricycle .sa may Bukid un na lalabas ka sa consumer… tapos Sm calamba na ngaun.

  64. To Die is to Rest Dionisio is the Best.

    Eva Lanes Bowling Alley.

    Luzon Restaurant.

    Farmacia Milagros.

    Pancit ni Cacho.

    Mambo.

    Mac Merchandising.

    Gopo Store. Game and Watch Rental.

    Banga Spot Restaurant.

    Sawali Bar.

    Hawaii Five-O.

    1. masyadong popular yan“`To Die is to Rest Dionisio is the Best.“nagulat ako ng mabasa ko ito!

      Tatlong Butas (malapit sa Petron ni Agojo)

      kanto ng crossing …Si Salamin…bilihan ng mga pako ,bumbilya ,saltik rugby etc
      Shanghai restaurant …bilihan ng pansit at ampaw…kahilera ng eva lanes

  65. San ang baba? sa dating MCDO po!
    Kung pupunta sa medyo malayong lugar at kelangan sumakay ng jeep, isa sa mga trade mark ay ang dating Mcdo. Dun kasi madalas dumadaan ang jeep sa dating Mcdo.

    San ka iha? Sa dating Minute!
    Eto naman ang trade mark ng mga estudyanteng pumapasok sa L.I. at eto rin ang trade mark sa mga Titser o estudyante na mag papa xerox copy ng kanilang pagsusulit na naka sulat pa sa yellow pad paper.

  66. -Yun pong bilihan ng nilupa/mayukmok sa may lumang palengke, nakapwesto lang sya sa may kanto malapit kila paunlagui. tapos nakapatong sa silya yung isang gabundok na mayukmok na puno ng margarine. – yung bilihan ng komiks at songhits saka yema balls sa may lumang palengke din. -kapag may ubo at sipon ang mga bata bago sumikat ang araw, dinadala ng mga magulang nila sa may pantalan sa aplaya. -yung magnolia house na sikat na ice cream parlor. -yung marbeth sa may lumang palengke sa tabi ni ycasas dati. -robles na sikat na bilihan ng mga musical instruments sa may lumang palengke. -yung lugawan sa calamba sa may crossing.

  67. Si mang berting ung naglalako ng ice cream na itinutulak lang dati pero ngayon naka bisikleta na sya at matanda na pero go parin… hehe… bibili kame nuon ng P5 pisong icecream tpos may libre pa na apa.hahaha…

  68. cnong nkktanda ng team na KUNEHO at ULIRAN anu ang sikat na gasulinahan sa crossing at ampheres, mami house, at ung tindahan ng aquarium sa tabi ni ycassas ung pulis na mag asawang MOLINA

  69. Sa Author, SALAMAT…Maraming maraming salamat dahil sa loob ng 10 minutong pagbabasa ko, you took me back in time pabalik sa pagkabata ko papunta sa dating “Calamba” na sobra ko nang na mi miss.. Naalala ko ulit ang lasa ng Palabok ni aling Yayang na para sakin ay di kayang tapatan ng jollibee palabok, tuwing sinasama ako ng mama ko mamalengke kapag sabado. Thanks!

  70. Bakit pagkain lang sikat si Yayang’s? Yun ang pinaka-astig na lugar dati kasi puro imported na laruan ang meron dun. Tapos wala ka pambili pero ok lang sa kanila na tingnan mo yung toys, ‘di ka paalisin.

    If from Canossa ka, kilala mo si Mang Atong, Maxie, at alam mo ng White House, Pink House at Green House.

    Sikat din yung Mazapan sa Halang.

    Tapos may Sotomangos din.

    Dapat naaalala mo pa (and nabadtrip ka) nung tinanggal ang perimeter walls sa house ni Rizal. Pati yung islands na may poste sa tapat nun.

    Stone benches pa ang Plaza nun.

    Sa Holy Family halos nagkikita lahat ‘pag Nov. 1.

    Siyempre dapat kilala yung Access at Niñolaja malapit sa Bantayan.

    Wala pa bakod ang Bucal nun kaya pwede mag dive ang tao galing sa highway.

    And lastly… Adobong Mais FTW. 🙂

  71. Sa US na ko nakatira at 4 years na ko hindi nakakauwi… Nun mabasa ko to, parang nasa Calamba ulit ako. Tandang tanda ko pa ang distinct smell ng loob ng Maya Bookstore. LOL.

  72. yung Tennis Court sa may Bañadero
    Lina’s Orchard (yung cnsbi nila na ungguyan) na eto yung parang Mini Zoo ng Calamba.
    Cafe Balenzuela (sa may halang)
    Hectan

    :))

  73. hehehe!!! sarap basahin… pag may hadaan at kailangang magrent ng chairs and balloons sa Buyoyoy ang punta, sa may sipag at tyaga ice cream

  74. Lumang simbahan sa Aplaya malapit sa halo haluan, school n ngaun, c mang densio na kartero, lola oseng parao n merung hollow blocks st cement, at un meriendahan ni ate nene sa kanto ng cardinal

  75. Aling Luz na bilihan ng nba at magic cards. Sama mo na din mga Tamiya at Gundam.

    Madam, MHT, Archeds, NiñoLaja at Geloconz mga unang computer shop sa bayan

    Hawaii Five-O at 6m Bistro sa crossing

    Pag may sakit ang bata kay Dra. Rubio o Pua, pag ngipin Kay Rubio na din

    Paliparan ng saranggola at magpahabol sa aso sa Laureola ( Jonel Subd)

    Bakery sa may señor na solido ang pandesal

    Twinstar at Mang Carding’s Barbershop sa may Central 1. RIP Mang Carding.

    Tennis court at Ungguyan sa Bañadero

    Bowlingan sa tapat ng tiannge

    Okoyan at Adobong Mais sa may General Lim

    Aling Aying at Aling Lits sa Tambubong

  76. Add ko lng po un vertigo na sikat na discohan noon.. plagi don ang kpatid ko kya nagugulpi ng nanay ko at un Jim’s Flowerama na bilihan ng.mga korona ng patay! Proud to be calambeño

  77. U forgot Mario,. Un hubo na takbo nang takbo at si Norang luka. Pati ung Aling ngtitinda ng kakanin na laging buntis.

    1. Di ko makakalimutan di norang luka, hinabol kami ng bestfriend ko ng dos por dos sa likod ng L.I. habang tumatalak ng “magsaing ka na!”

  78. Thanks leslee and Dr. David Salom Jr. For remembering Cine Calamba and Eva Lanes. Your dad Mr. Salom was our accountant…
    I remember Cine Calamba when it was it’s heyday. When it’s a Fernando Poe movie, sure blockbuster! It will be shown for 2weeks. People will fall in line early in the morning, some with packed food so they could watch it more than once. They would clap, shout, cheer and even stomp their feet while watching the movie. Peanuts, balut and other snacks are sold inside the theater during the movie. There was a balcony and an orchestra seating. Movies are shown double featured (me kadouble!) I would like to pay tribute to our very loyal staff there was a takilyera (ate sioning) who would sell the tickets, a pultera (ate viol) and checker (ate mita) who would tear the tickets, an aparatista (silvie) who controls the projector, a lagarista (if the movie is shared with other theaters), janitors (mang ely) and of course my papa Manager Jolly Brosas who managed Cine Calamba until the late 80’s.. It was my job as a kid to make passes to valued patrons..
    My mama Eva Brosas was the woman behind Eva Lanes which was in crossing calamba and at grove, los banos. These were the days when duck pin was used for bowling and there were pinboys (no automatic yet), billiards was also very popular and so is the jukebox.
    Our family would like to thank all Calambenos who had been our loyal customers and those who still remember….
    The family of Mang Jolly and Aling Eva Brosas – Cine Calamba, Eva Lanes and Brosas Apartments

  79. Ang saya!!! How about the puto bumbungan sa gilid ng simbahan pag magpapasko? May mga tindahan din ng mga laruan sa kalsada. Favorite ko yung paper mache na kabayo at mga maliliit na palayok!

  80. Wow! Ang galing! Naka relate ako. Calambeño din ako. Yung adobong mais, turon at okoy na malapit sa munisipyo at palengke, kay Aling Odyang yun. Dun din kami malimutan bumili noon. Malapit kasi yun sa bahay ng mga Lolo at Lola ko. Yung isa namang bilihan ng mga bakal, Kay
    Mang Kadyo Kung Hindi ako nagkakamali. 🙂 Kilala mo ba si Mang Berting? Yung Mamang Sorbetero? Lagi kasi sya nagtitinda ng ice cream noon sa labas ng Central 2. Doon ako nag aral pati ang ate Ko. 🙂
    Tama ka, ang sarap balikan ng nakaraan. Simple pa ang Calamba, simple pa ang buhay.

    Maraming salamat sa post na Ito. Sobrang napangiti ako. At kahit saan ako makarating sa mundo, proud ako na isang Calambeño! 🙂

  81. Ang MENORCA at LAFORTEZA walang nakaalala marahil mga senior citizen na lang doon kami nagpapapicture lalo na at ang senior at juniors prom…

  82. Ang saya naman nito, literally kwentuhan ng mga taga calamba. Naalala ko pa dati nagsantacruzan ang mga beki friends natin pinangungunahan ni Richie? Once lang ata nangyari un?

    1st time kong sumakay sa jeep galing lumang munisipyo, naikot pa hanggang pinagkrusan sa may sampiruhan ung jeep, kala ko naligaw na kaming magkapatid, yun pala nasa san jose lang kme. Bumababa kami sa jeep at naglakad pabalik… epic talaga!

  83. Un Chavez pharmacy sa likod ng central 1 may katabi un flower shop… Jim’s Flowerama sila ang bag gagayak ng mga event sa L.I at bilihan ng korona ng patay.

  84. Meron b nakakaalala ng “ituro mo at lulutuin ko” beerhouse and restaurant s may checkpoint cila nagpauso ng sari saring fish s aquarium, ituro mo ang order u at lulutuin nila.

  85. Naaalala ko rin during the 90’s my trabaho me sa cabuyao 2-10pm shift ko, lakad n me pauwi from check point to mayapa kc by 10 pm wala n sasakyan nabiyahe punta canlubang. Malayo layo din un, but nice thing about it, was safe maglakad kahit p wala ilaw mga poste ng kuryente noon.

  86. bago pa mag ka bus n DLTB may n una dito. ang BLTB Co. At may terminal ito sa crossing ask nyo lola nyo alam nila yan..alam nyo ba kung saan . dun sa tapat ng alcasid building..ito ang unang terminal ng bus sa calamba… yung Hospital dati sa likod ng lumang munisipyo .. nasunog kasi kya napalipat sa may kanto ng letran. At ang sikat n basket ball court na sa likod din ng munisipyo dati…

  87. Kilala ko ang Laforteza, dyan sa tabi ng bahay nina Cora Villamor, Menorca, 2 silang sikat na photo studio noon, senior na din kc ako. Yung tapat ng Footstep, noong araw ay kulutan ni Habacon, Elasigue, limot ko na name, nagpapakulot ako ng bata pa(10 yrs old). Si mang Luis ang matanda noong nag ice cream ng sipag at tiyaga, hangang Aplaya sya, dala ang kariton, ang singkong puti, pad nai shoot mo, sa kanyang ginuhit na square, square, libre ice cream, o di kaya sinko na Garcia mas malaki, 10 beses na kabit sabi nya, mas malaki square non, libre din.

  88. Taga-Calamba ka rin lalo na yung mga taga-Bayan kung nabalitaan mong nag-rally ang mga estudyante ng Saint John Academy nung ipapasara ito noong year 1998-1999.

    Kami ung Batch na hindi naka-graduate sa Saint John nun. Walang Batch 1999 sa SJA now know as SJC.

  89. Taga-Calamba ka rin kung maaalala mo at nabalitaan mo na nag-rally ang mga estudyante ng Saint John Academy nung ipapasara ito noong 1998.

    Walang Batch 1999 ang SJA, now known as SJC – kami dapat yun. Lipat ang karamihan sa amin sa LCBA kaya nag boom bigla ang student population ng LCBA nun. 🙂

  90. E Yung sirang kotseng Kuba na nakadisplay sa may riles ng tren papuntang crossing.
    Mister Donut ba yun malapit sa LI?

  91. May I contribute in general….basketball league of calamba. San Juan, San Jose, Central,Aplaya,etc. Calamba was famous when it comes to basketball including d best and good looking gays!

  92. Anyone remember un planta ng coke katapat eh warehouse ng pepsi. Bago magriles pagpapunta ka’ng crossing galing Halang?

Leave a reply to tonton Cancel reply